DOH nagpaalala sa publiko na tuloy ang Bayanihan Bakunahan sa mga lugar na hindi apektado ng bagyo

Hinikayat ng Department of Health ang publiko na samantalahin ang ginagawa ngayong National Vaccination Day.

Ang second round ng Bayanihan Bakunahan ay matatapos ngayong araw December 17.

Sa abiso ng DOH sa publiko, tuloy ang malawakang bakunahan sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Regions 1, 2, 3 at 4A.

Habang ipinagpaliban naman muna ang programa sa mga nalalabing lugar sa bansa dahil sa bagyong Odette.

Ang magiging schedule na ng Bayanihan Bakunahan sa kanila ay sa December 20 hanggang December 22.

Madz Moratillo

Please follow and like us: