DOH, nagpalabas ng public advisory dahil sa delay na pag-iisyu ng Covid-19 case bulletin

Humingi ng paumanhin ang Department of Health sa publiko dahil sa delay na pagpapalabas ng daily Covid-19 case bulletin.

Batay sa advisory ng ipinalabas ng kagawaran, ito ay dahil sa technical issues sa COVIDKaya.

Dahil dito, mga 8:30 hanggang 9:00 ng gabi pa nila maipalalabas ang updated cases ng Covid-19.

Tiniyak naman ng DOH na ibabalik din nila sa dating oras o sa tuwing alas-4:00 ng hapon ang pagpapalabas ng updated case bulletin sa sandaling maayos na ang problema.

Please follow and like us: