DOH nakapagtala ng 1,623 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Tumaas pa ang naitatalang bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa.

Ayon sa Department of health ngayong araw ay nakapagtala ng 1,623 na bagong kaso kaya umabot na sa 2,841,260 ang kabuuang kaso ng COVID-19 .

Sa bilang na ito 11,772 ang aktibong kaso.

May 256 na naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,778,115 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 133 naman ang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 51,373 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: