DOH nakapagtala ng 2,449 arawang kaso ng COVID- 19 sa bansa

Nakapagtala ng 2,449 arawang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Mas mababa ito ng 10 porsiyento kumpara sa naitala noong Agosto 22 hanggang 28.

Sa datos ng Department of Health, sa kabuuan, umabot sa 17,145 ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 nitong nakaraang linggo.

May 40 namang naitalang bagong kaso ng kritikal at severe habang may 354 namang bagong nasawi.

Pero sa bilang na ito, 1 lang ang nasawi ngayong Setyembre, 145 nitong Agosto, 8 noong Hulyo, 10 noong Hunyo, 6 noong Mayo, 3 noong Abril, 5 noong Marso, 25 noong Pebrero, 115 noong Enero at ang iba ay sa ibang buwan noong 2021.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: