DOH , nakapagtala ng 3,604 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 46,934 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 3,604 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 5,840 naitalang bagong gumaling.

May 77 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 26,092 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,481,660 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,408,634 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: