DOH nakapagtala ng 4,509 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaabot na sa 48,649 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 4,509 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 5,839 naitalang bagong gumaling.

May 105 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya’t umabot na sa 24,662 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,412,559 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,339,248 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: