DOH nakapagtala ng 4,842 na bagong kaso ng COVID-19 cases sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,842 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1, 118,359 ang kabuuang kaso ng COVID -19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 53,214 naman ang aktibong kaso.

May 8,312 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1, 046,431 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 94 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 18,714 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: