DOH, nakapagtala ng 5,000 panibagong kaso ng Covid-19 ngayong araw

May 5,000 na bagong kaso ng covid 19 na naitala ang Department of Health (DOH).

Dahil rito, umakyat na sa 616,611 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 56,679 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 281 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 547,166 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 72 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12 766 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: