DOH nakapagtala ng 5,257 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,257 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,240 ,716 ng kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 52,132 naman ang aktibong kaso.

May 6,266 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,167,426 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 146 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 21,158 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: