DOH nakapagtala ng 8,162 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Bumaba sa 8,162 ang naitala ng Department of Health na panibagong kaso ng Covid-19 ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang new cases kahapon na 9,661

Dahil dito, pumalo na sa 997,523 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

May naitala ring mga bagong gumaling sa sakit na nasa 20,509  kaya pumalo na sa 903,665 ang mga nakarekober sa karamdaman.

Habang may mga naitala ring 109  na bagong namatay kaya nasa 16,783 na ang death toll ng bansa sa COVID-19.

Marie Ochoa

Please follow and like us: