DOH, nakapagtala ng bagong 19,271 kaso ng Covid-19

Pumalo na sa 2,366,749 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng 19,271 na karagdagang kaso ng virus infection na may 178.186 active cases.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 25,037 na bagong mga gumaling kaya umakyat na sa 2,151,765 ang kabuuang nakarekober sa bansa sa Covid-19.

Habang naitala naman sa 36,788 ang kabuuang namatay matapos makapagtala ng bagong 205 na bagong pumanaw.

Please follow and like us: