DOH nakapagtala ng mahigit 4 na libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaabot na sa 49,862 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 4,353 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,139 naitalang bagong gumaling.

May 119 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 23,928 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,372,232 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Habang 1,298,442 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: