DOH nakapagtala ng mahigit 4 na libong bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,734 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1, 113, 547 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 56,752 naman ang aktibong kaso.

May 7,837 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1, 038, 175 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 59 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 18,620 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: