DOH nakapagtala ng mahigit 4,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaabot na sa 50,037 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,479 na bagong kaso ng COVID sa bansa habang 6,471 ang naitalang bagong gumaling.

May 101 naitalang bagong nasawi dahil sa virus kaya umabot na sa 24,557 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID.

Sa ngayon ay 1,408,058 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,333,464 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: