DOH nakapagtala ng mahigit 5 libong bagong kaso ng COVID-19

Umabot na sa 50,562 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,828 na bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa, habang 3,257 naitalang bagong gumaling.

May 17 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 26,891 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,530,266 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,452,813 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: