DOH nakapagtala ng mahigit 5,000 bagong kaso ng Covid-19 ngayong Huwebes

Umaabot na sa 51,567 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,795 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 2,859 naitalang bagong gumaling.

May 135 naitala namang bagong nasawi, kayat umabot na sa 24,797 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,418,337 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,341,973 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: