DOH nakapagtala ng mahigit 5,000 bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,683 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,067,892 ang kabuuang kaso ng COVID 19 na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 66,060 naman ang aktibong kaso.

May 9,028 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 984,210 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID- 19.

May 97 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 17,622 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: