DOH, nakapagtala ng mahigit 50,000 na active cases sa COVID-19

Umaabot na sa 55,847 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,249 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,053 naitalang bagong gumaling.

May 128 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 23,749 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,364,239 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,284,643 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: