DOH nakapagtala ng mahigit 6,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaabot na sa 58,407 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 6,637 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 4,585 naitalang bagong gumaling.

May 155 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 23,276 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,339,457 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,257,774 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: