DOH nakapagtala ng mahigit 7,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 7,204 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,013,618 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa ang naitala .

Sa bilang na ito, 71, 675 naman ang aktibong kaso.

May 10,109 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 925,027 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula saCOVID- 19.

May 63 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 16,916 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: