DOH, nakapagtala ng panibagong 6,846 mga kaso ng Covid-19 ngayong Lunes

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,846 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,108,826 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 59,897 naman ang aktibong kaso.

May 8, 193 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,030,367 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 90 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 18,562 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: