DOH Secretary Francisco Duque , nag-ikot sa mga hospital bago ang pagsalubong sa bagong taon

Personal na tiningnan ni Health secretary Francisco Duque III ang kahandaan ng mga ospital sa mga posibleng maging biktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Unang pinuntahan ni Duque ang Jose Reyes Memorial Medical Center at sumunod ang Tondo Medical center sa lungsod ng Maynila.

Umapela si Duque sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputol sa pagsalubong sa 2022 .

Sinabi ni Duque , handa ang mga ospital na tugunan ang problema para sa mga matitigas ang ulo na hindi tatalima sa kampanya ng pamahalaan na iwas paputok.

Vic Somintac

Please follow and like us: