DOH, tiniyak na may sapat na COVID-19 Vaccine sa bansa

May sapat na bakuna kontra covid 19 sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay DOH Officer -In-Charge Dr. Ma Rosario Vergeire, sapat ang mga stock na ito ng bakuna sa mga hindi pa nakakakumpleto ng primary doses ng covid 19 vaccine at mga kailangan ng 1st at 2nd booster.

Ito ay kahit pa mayroon aniyang ibang bakuna ang mapapaso sa Oktubre.

Tumanggi naman si Vergeire na idetalye ang kabuuang bilang ng na expire na bakuna pero ito ay nasa 6.6% lang aniya ng kabuuang suplay ng bansa.

Pasok parin aniya ito sa pinapayagang wastage ng World Health Organization.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: