DOH,hinikayat ang publiko na samantalahin ang special vaccination kontra COVID-19

Hinikayat ng Department of Health ang mga taga Cebu at Mindanao na samantalahin ang ginagawang special vaccination roon kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang special vaccination ay ginagawa sa Cebu province, Cotabato city at Davao region mula kahapon at tatagal ito hanggang bukas March 31.

Habang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao naman may special vaccination ngayong araw hanggang Abril 1.

Ayon sa DOH ang tinatarget nila ngayon ay mga lugar na may mababang vaccination coverage.

Madz Moratillo

Please follow and like us: