DOH,nakapagtala ng mahigit 7 libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 56,477 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 7,186 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 5,672 naitalang bagong gumaling.

May 72 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 27,318 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,562,420 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,478,625 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: