DOH,sinusuri ang swab sample ng mga pinoy na umuwi sa bansa

Tinitingnan na ngayon ng Department of Health ang mga swab sample na kanilang nakolekta nitong Nobyembre mula sa mga Pinoy na umuwi sa bansa.

Pero nilinaw ni Dr. Beverly Ho, ng Health Promotions Bureau ng DOH, na hindi lahat ng mga positive sample ay pwedeng isalang sa genome sequencing.

Ang mga sample na ang CT value ay mas mababa sa 30 lamang aniya ang pwedeng i-sequence.

Layon nitong matukoy kung may Omicron variant ng nakapasok sa bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: