DOJ ipatutupad ang 30% skeleton workforce habang nasa ECQ ang NCR

Itinakda ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa 30% ang on-site skeleton workforce sa DOJ habang panahon ng ECQ sa Metro Manila.

Sa memorandum circular ng Office of the President na pirmado ni Executive Sec. Salvador Medialdea, sinabi na fully operational pa rin ang mga ahensya ng pamahalaan sa NCR habang lockdown hanggang sa Agosto 20.

Pero, skeleton workforce lamang ang pinapayagang pisikal na pumasok sa tanggapan o ahensya ng gobyerno habang ang ibang kawani ay work from home.

Ipinauubaya sa mga pinuno ng bawat departamento o opisina ng gobyerno ang pagdetermina sa bilang ng empleyado on-site nang hindi bababa sa 20%.

Moira Encina

Please follow and like us: