DOJ nagdadalamhati sa pagpanaw ng isa sa mga mahuhusay na piskal nito

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pumanaw na si Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera.

Ayon kay Guevarra, lubos na nagdadalamhati ang DOJ sa pagpanaw ni Navera.

Sinabi ng kalihim na isa si Navera sa mga pinakamahusay na piskal ng DOJ.

Hindi tinukoy ang dahilan ng pagkamatay ng state prosecutor.

Hinawakan ni Navera ang ilang malalaki at kontrobersyal na kaso na inihain sa DOJ.

Kabilang sa mga ito ay ang kaso laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na inakusahan ng pagpatay sa Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.

Gayundin, ang illegal drug trading case laban kay Kerwin Espinosa, at ang kasong illegal possession of drugs at firearms sa magkapatid na Parojinog.

Naipanalo rin Navera ang kaso laban sa mga akusado sa
2-Billion pesos Subic drug case na isa sa pinakamalaking drug bust operation sa bansa.

Moira Encina

Please follow and like us: