DPWH Secretary Mark Villar, tiniyak ang buong suporta sa Anti-corruption campaign ng Pangulo

Nagpahayag ng buong suporta si DPWH Secretary Mark Villar sa bagong kautusan ni Pangulong Duterte na paimbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian sa buong gobyerno.

Ayon kay Villar, sa DPWH ay nagsasagawa na sila ng internal investigation hinggil sa mga akusasyon ng katiwalian sa kagawaran.

Aminado ang kalihim na bagama’t may tiwala pa rin sa kanya ang Pangulo ay isang malaking hamon para sa DPWH kung papaano pa mapapabuti ang kanilang trabaho at serbisyo.

Binalaan naman ng kalihim ang mga tiwaling opisyal at kawani sa DPWH na pananagutin sila sa batas.

Inaasahang may mga tauhan silang masususpinde o mabibigyan ng floating status, depende sa kalalabasan ng imbestigasyon ng task force ng ahensya at base sa mga ebidensya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: