Drive-thru Swab testing center sa Maynila, bukas na

Binuksan na ang drive-thru COVID-19 swab testing center sa Maynila na matatagpuan sa Quirino Grandstand.

Ang lugar na ito ay dating nagsilbi bilang drive-thru Serology testing.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, bahagi pa rin ito ng pinalakas na COVID-19 response ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa alkalde, libre ang pagpapa-swab rito at bukas sa lahat ng mga residente o kahit hindi residente ng Maynila.

Bukas ang drive-thru swab testing center mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Pero ang pag-Swab test rito ay “By Appointment only” o kailangan munang magpa-schedule sa Manila Emergency Operation Center ng Manila Health Department.

Ang unang isang daang magpapalista lamang ang maisasalang sa test.

Para sa mga nais magpa-swab test maaaring tumawag sa mga numerong: 09052423327, 09983226367, 09636023177, 09555875976.

Madz Moratillo

Please follow and like us: