Dry-run sa Zipper Lane ng Commonwealth Ave, QC, muling isinagawa

Sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at EEI MRT-7 contractor ang pagpapatuloy ng dry-run sa ziper lane ng Commonwealth Avenue kasama ang Quezon City Local government.

Ilan sa mga itinalagang entrada ng Zipper lane ay ang Luzon Avenue sa Tandang Sora at isa sa harapan ng UP-Ayala Technohub.

Magtatapos naman ito sa Commonwealth Eastbound at University Avenue patungong UP-Diliman.

Nagkaroon naman ng bahagyang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa nasabing mga lugar dahil sa ipinatupad na Stop and Go traffic scheme.

Please follow and like us: