DTI, patuloy na mag-iinspeksyon sa mga establisimyento sa ilalim ng Alert Level 1

Mananatiling ipatutupad ang mga health procotol at social distancing sa mga business establishment sa ilalim ng Alert Level 1.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, bagaman bahagyang may adjustment sa social distancing rule, mananatili ang pagsusuot ng face mask at hand sanitation sa mga establisimyento na may Safety Seal certification.

Binigyang-diin ni Castelo na patuloy nilang babantayan at iinspeksyunin ang mga establisimyento kung nakasusunod ang mga ito sa mga protocol.

Maaari aniyang masuspinde ang certification ng mga establisimyentong masusumpungang hindi nakasusunod sa mga safety protocol.

Samantala, sinabi pa ng DTI official na patuloy ang kanilang monitoring sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng tensyon sa Eastern Europe.

Wala pa aniyang request para sa bagong suggested retail price (SRP) ng mga basic good kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis.

Please follow and like us: