E-sabong pinatigil na ni Pangulong Duterte

Nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na umpisa ngayong araw ang operasyon ng E-Sabong.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang regular weekly Talk to the People.

Sinabi ng Pangulo sa ginawang survey at validation ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año napatunayan na ang E-Sabong ay labag sa moralidad ng sambayanang pilipino.

Ayon sa Pangulo, maraming nalululong sa sugal na E-Sabong na nakakaapekto na sa buhay at kabuhayan ng bawat pamilya.

Inihayag ng Pangulo na kaya niya pinahintulutan noon ang operasyon ng E-Sabong ay dahil sa kita at pakinabang ng gobyerno sa ibinabayad na buwis dahil kailangan ng pamahalaan ang dagdag na pondo.

Vic Somintac

Please follow and like us: