Economic Managers ng Palasyo, hinimok na madaliin ang konstruksyon ng LRT- line 1 extension

Umaapila si Senador Ramon “Bong” Revilla sa mga Economic Managers ng Palasyo na gawing prayoridad ang konstruksyon ng LRT- line 1 Cavite Extension project.

Sa Budget hearing sa Senado, sinabi ni Revilla na Ramos Administration pa nang simulan ang plano para dito.

Malaking tulong aniya kung agad matatapos ang extension project lalo na para sa may 4. 5 hanggang limang milyong mga commuters mula sa Las Piñas at Cavite.

Ang extension project ay sisimulan sa Baclaran na dadaan sa mga syudad ng Parañaque, Las Pinas hanggang sa Bacoor, Cavite.

Meanne Corvera

Please follow and like us: