ECQ sa Tabuk City, Kalinga, pinalawig pa hanggang Peb.15

Marami pa rin ang nakukumpirmang nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Tabuk, sa kabila nang isinailalim ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), mula Enero 25 hanggang Pebrero 8.

Bunsod nito ay hiniling ng lungsod ng Tabuk sa Regional Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (RIATF) na palawigin pa ng isang linggo ang ipinatutupad na ECQ mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 15.

Ang kahilingang ito ng lungsod ay pinag-aralang mabuti ng RIATF, bago pinagtibay ang isang linggo pang ECQ sa Tabuk.

Patuloy namang hinihikayat ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan na sundin ang ipinatutupad na health and safety protocols upang makaiwas sa sakit.

Ulat ni Xian Renzo Alejandro

Please follow and like us: