Edad ng mga batang pwedeng lumabas para magtungo sa establishments at malls , pinalilimitahan

Nais ni Senador Christopher Bong Go na limitahan ang edad ng mga batang pinapayagang lumabas at magtungo sa business establishments at malls.

Sa harap ito ng pagluluwag sa mga health restriction kung saan pinayagan nang pumasok sa mall ang mga bata.

Ayon sa Senador na Chairman ng Senate committeee on health , pababa na ang kaso ng nagpopositibo sa virus sa buong bansa.

Pero babala ni Go na hindi malayong makaranas muli ng krisis ang pilipinas at magpatupad ng lockdown tulad sa ibang bansa dahil sa muling pagtaas ng mga kaso.

Giit ng Senador hindi pa naabot ang herd immunity kaya hindi pa dapat magpakakampante ang publiko.

Gayunman dapat ng ipaubaya na sa IATF ang pagpapasya hinggil dito.

Nauna nang nagpasa ng resolusyon ang metro manila mayors noong nakaraang linggo at nagkasundong ipaubaya sa inter agency task force ang pagpapalabas ng patakaran hinggil sa pagpasok ng mga bata sa mall o kaya’y limitahan ang edad ng mga maaaring papasukin.

Meanne Corvera

Please follow and like us: