Educational Assistance ipinamahagi ng mga SK official sa mga estudyante sa Brgy. Poblacion 5 GMA, Cavite.

Namahagi ng Educational Assistance para sa mga estudayante sa kanilang barangay ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion 5 sa GMA Cavite. 


Isinagawa ito sa dalawang magkahiwalay na venue para masunod ang umiiral na health protocol sa kanilang bayan dahil sa pandemiyang dulot ng Covid 19. 


Partikular na nakatanggap ng educational aid ay ang 250 mga  estudyante na nasa senior high school at kolehiyo. 


Ginawa ng mga opisyal ng SK Poblacion 5 ang aktibidad na ito para tulungan ang mga kapos-palad na mga mag aaral sa kanilang barangay para maitaguyod nila ang pag aaral kahit pa may pandemiya sa bansa dulot ng Covid 19. 

Jet Hilario

Mga Mag-aaral na tumanggap ng Educational Assistance mula sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Poblacion 5, GMA Cavite.

Please follow and like us: