Ekslusibong panayam ng NET25 kay Presidential Aspirant Bongbong Marcos, mapapanood na bukas

Mapapanood na sa NET25 ASPN Primetime ang ekslusibong panayam kay Bongbong Marcos na tumatakbong pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

Matunog pa rin ang pangalan ni Marcos, sa kabila ng kaliwa’t-kanang isyu na kaniyang kinakaharap.

Ilan dito ay ang pag-aabang ng publiko sa naging kinalabasan ng disqualification case laban sa kanya, ang detalye ng death threat sa kaniya, mga pasaring ng iba pang presidential candidates at ang higit sa lahat na inaabangan ng taumbayan, ay kung ano ang ihahain niyang plataporma para sa darating na eleksiyon.

Nangunguna pa rin si Marcos sa mga nakaraang presidential surveys, kung saan nakapagtala siya ng malaking kalamangan kumpara sa iba pang tumatakbo sa pagkapangulo.

Mapapanood ang ekslusibong panayam kay Marcos sa prograng Ano Sa Palagay Nyo o ASPN Primetime kasama si Ali Sotto at Pat Daza, bukas, Linggo, Pebrero 6 sa ganap na ika-9:00 ng gabi pagkatapos ng Quizon Comedy Theatre sa NET25.

Please follow and like us: