Emergency room ng PGH puno na ng mga pasyente

Puno na ng mga pasyente ang emergency room ng Philippine General Hospital.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, 70 lang ang bed capacity ng kanilang ER pero ang pasyenteng nakaadmit roon nasa 150 na.

Pero ayon kay del Rosario, non COVID patients naman ang mga ito na karaniwan ay mula sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Kaya naman apila ng pamunuan ng PGH, kung hindi daw life threatening wag muna sa kanila dalhin ang pasyente.

Kaugnay nito, sinabi ni del Rosario na kakaunti nalang ang pasyente sa kanilang COVID-19 wards.

Ibinaba narin aniya nila ang bed capacity nito sa 60 beds mula sa dating 300.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: