Emergency use authorization para sa single dose Covid 19 vaccine na gawa ng Gamaleya, inaprubahan ng FDA

Kinumpirma ng Food and Drug Administration na inaprubahan na nila ang Emergency Use Authorization para sa single dose Covid 19 vaccine na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia.

Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, noong Byernes ay inaprubahan na nila ang Sputnik Light Covid 19 vaccine upang magamit dito sa bansa.Pero ito ay para sa mga nasa edad 18 pataas lamang.

Ang Sputnik Light ang ikalawang single dose vaccine na inaprubahan dito sa bansa.Una rito, binigyan rin ng EUA ng FDA ang single dose COVID-19 vaccine ng Johnson and Johnson.

Maliban sa dalawa, una na ring nabigyan ng EUA ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, Moderna, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V at Bharat.Pero ang 6 na brand na ito ay pawang 2 doses.

Madz Moratillo

Please follow and like us: