Endorsement ng anumang grupo sa mga kandidato malaking bentahe para manalo sa eleksyon

Inamin ng magkatambal na sina Presidential aspirant Ping Lacson at katandem nito na si Senate president Vicente Sotto III na malaking advantage ang pag-eendorso ng anumang religious group o organisasyon para maipanalo ang laban ng isang kandidato.

Sa harap ito ng pag-eendorso ng Iglesia Ni Cristo sa tambalang BBM at Duterte at iba pang kandidato sa pagkasenador sa eleksyon sa lunes.

Ayon kay Lacson, malaking tulong ito para umangat ang isang kandidato lalo na kapag block voting.

Iginagalang raw nila ang pasya ng Iglesia Ni Cristo at hindi naman lahat ng eleksyon ay aasahan na susuportahan ang isang tumatakbo.

Sa huling araw ng kampanya sa halip na magsagawa ng meeting de avance na karaniwang humahakot ng mga tao, plano nilang mag-ikot sa mga liblib na lugar na hindi naabot ng ibang kandidato para makadaupang palad ang ating mga kababayan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: