Endorsement power ni Pangulong Duterte plus factor sa isang kandidato – Malakanyang

Naniniwala ang Malakanyang na may bisa ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte para manalo ang isang kandidato sa halalan sa Mayo.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar,kakaiba si Pangulong Duterte sa mga nakalipas na Presidente dahil kahit papatapos na ang kanyang termino ay nananatiling mataas ang kanyang trust, approval at popularity rating.

Ayon kay Andanar,hindi maituturing na kiss of death ang endorsement ng Pangulo sa isang kandidato.

Inihayag ni Andanar, maraming kandidato ang personal na nakikipagkita sa Pangulo para magpa-endorso.

Ngayong araw ay pangungunahan mismo ng Pangulo ang proclamation rally ng ruling party PDP Laban na gaganapin sa Cebu.

Vic Somintac

Please follow and like us: