EUA ng Paxlovid antiviral pill, inaprubahan na ng FDA

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization para sa antiviral pill ng Pfizer na Paxlovid.

Dahil rito, ayon kay FDA OIC Director General Oscar Gutierrez, dalawa na ang oral antiviral treatment na puwedeng gamitin dito sa bansa.

Batay sa ginawang pag-aaral, ang Paxlovid ay nakababawas umano ng halos 90% ng pagka- ospital o pagkasawi dahil sa Covid-19.

Maliban rito, sinabi ni Gutierrez na may isang brand pa ng Mulnopiravir ang kanilang inaprubahan na magamit sa bansa ito ang Molenzavir na galing naman sa Bangladesh.

Madz Moratillo

Please follow and like us: