Ex- pulis na nakapatay sa mag-ina sa Tarlac, namatay sa Bilibid –BuCor

Kinumpirma ni Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag na namatay sa New Bilibid Prison ang dating pulis na si Jonel Nuezca na hinatulang guilty sa pagkamatay ng nakaaway na mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Chaclag, namatay noong Martes, November 30 sa ganap na 6:44 ng gabi si Nuezca.

Hindi pa batid ang dahilan ng pagkamatay ni Nuezca at isasailalim pa ang bangkay nito sa otopsiya.

Batay sa inisyal na impormasyon, naglalakad si Nuezca sa labas ng dormitory building nang ito ay mag-collapse.

Dinala sa NBP Hospital si Nuezca ng kanyang mga kasamahan ng bandang 6:30 ng gabi ng Martes.

Sinabi ni Chaclag na iniimbestigahan na ng BuCor kung may foul play sa insidente.

Humingi naman ang DOJ ng kopya ng magiging resulta ng imbestigasyon ng BuCor sa pangyayari.

Moira Encina

Please follow and like us: