Ex-solon patay sa edad na 53

Namatay na si dating Camarines sur Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr . sa edad na 53.

Ito ang inanunsyo ng kaniyang anak sa isang social media post.

Hindi naman tinukoy ang naging sanhi ng kamatayan ng dating mambabatas.

Si Andaya ay dating nagsilbi bilang House Majority Floor Leader at Budget Secretary.

Tumakbo rin ito bilang Gobernador ng Camarines sur  noong Mayo subalit natalo ito kay Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Please follow and like us: