Excise tax sa oil products, ipinapasuspinde na

Ipinapasuspinde ni Senador Risa Hontiveros ang ipinapataw na excise tax sa mga oil products sa ilalim ng train law para bawasan ang epekto nito sa mga motorista at commuters.

Nababahala ang Senador dahil aabot sa mahigit limang piso ang madadagdag sa kada litro ng diesel habang mahigit 3 pesos sa gasolina.

Magiging mabigat aniya ang epekto nito sa mga drayber, mga mangingisda, maliliit na negosyante, at mga konsyumer ng kuryente lalo na sa mga off-grid islands na gumagamit ng diesel para sa mga generation power plants.

Tiyak aniya na tatamaan din ang ordinaryong mamamayan dahil ang anumang dagdag singil ay ipapasa lang sa consumers at commuters.

Kung hindi raw ito magagawa agad, responsibilidad ng pamahalaan na magbigay ng ayuda sa mga kababayan katulad ng fuel subsidy o pantawid pasada para sa mga tsuper, magsasaka, at mangingisda.

Meanne Corvera

Please follow and like us: