Executive order para sa pagpapatupad ng smoking ban sa buong bansa, nalagdaan na ni Pang. Duterte

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order kaugnay ng nationwide smoking ban.
Ang EO 26 o providing for the establishment of smoke-free environments in public and enclosed places ay nilagdaan ng Pangulo noong Mayo 16 para mahigpit nang ipagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ito rin ang inihayag ni Health Sec. Paulyn Ubial at Executive Sec. Salvador Medialdea.
Kasunod nito, asahan naman ang pagpapalabas ng kopya ng EO.
Ang EO ay ibinase sa Davao City smoking ban na ipinatupad ni Pangulong Duterte noong Alkalde pa ito ng naturang lungsod.
Ulat ni: Vic Somintac