Extended voter registration schedule sisimulan na ng Comelec sa susunod na Linggo

Inanunsyo ng Commission on Elections na simula sa Lunes, Agosto 23, ay mas pinahaba na ang oras ng voter registration.

Sa extended voter registration schedule ng Comelec, mula 8am hanggang 7pm ay maaaring magtungo ang mga kababayan nating nais magaprehistro sa mga tanggapan ng poll body.

Bukas din ang mga tanggapan ng Comelec kahit Sabado at araw ng Holidays.

Pero mula 8am hanggang 5pm lamang.

Ang voter registration ay hanggang Setyembre 30 na lamang ng taong ito.

Una rito, ibinasura ng Comelec en banc ang mga panawagan para palawigin pa ang panahon ng voter registration.

Paliwanag ng Comelec, kung pagbibigyan nila ang mga panawagan, sila naman ang magkakaproblema sa preparasyon para sa May 2022 elections.

Madz Moratillo

Please follow and like us: