F15 jet ng Japan na nawala sa radar, hinahanap na

Hinahanap na ng Japanese military ang isang fighter jet na nawala sa kanilang radar matapos magtake-off.

Sinabi ng tagapagsalita para sa Japan Air Self-Defense Force, na nawala sa radar ng Komatsu control tower ang isang F15 jet makaraang magtake-off.

Aniya, ang jet ay nawala sa radar may limang kilometro mula sa Komatsu airbase sa central Ishikawa region.

Sinabi pa nito na ang jet ay nakadisenyo para sa dalawang crew, pero hindi nya makumpirma kung ilan ang sakay ng nawawalang F15.

Please follow and like us: