Face to face job fair,ikakasa ng DOLE sa NCR

Ikinakasa na ng Department of Labor and Employment ang gagawing face to face Job Fair ngayong buwan.

Ito ang kauna-unahang face to face job fair ng DOLE mula ng magsimula ang Covid-19 pandemic.

Pero ayon kay Labor Asec. Dominique Tutay, sa National Capital Region lang muna ito gagawin.

Ang NCR ay kasalukuyang nasa ilalim alert level 2.

Pero sa ngayon, pinag-aaralan pa aniya nila ang sistema na paiiralin.

Sa job fair na ito, isasama rin aniya nila ang ilang government services na kailangan ng mga manggagawa.

Target ng DOLE, katuwang ang mga nasa pribadong sektor na makapag generate ng 1 milyong trabaho ngayong taon bilang tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic.

Pero kahit malapit ng matapos ang taon, aminado si Tutay na malayo pa sila sa target na 1 milyon.

Sa ngayon, karamihan aniya ng na-generate na trabaho ay sa construction sector.

Madz Moratillo

Please follow and like us: